Nasa 1,312 ang natanggap na reklamo ng US Federal Communications Commission (FCC) laban sa ipinalabas ng nagdaang Super Bowl halftime show.
Ayon sa mga nagreklamo na pawang mga magulang na tila may kabastusan ang ginawang halftime show ninan Jennifer Lopez at Shakira.
Bukod kasi sa pagkanta ay nag-pole dancing, belly dancing, twerking at maraming iba pa.
Dagdag pa ng mga nagrereklamo na tila inilagay ang kanilang anak sa kapahamakan dahil sa mga malalaswang panonood.
Wala rin aniyang inilagay na babala ang mga opisyal ng National Football League na may malaswang maipapalabas sa nasabing ‘halftime show’.
Magugunitang maraming mga pumuri sa naging performance nina JLO at Shakira sa halftime show ng SuperBowl 54 kung aan humakot pa ito ng 102 million viewers sa buong mundo.