-- Advertisements --
super deep diamonds 2

Natagpuan ng mga scientist ang tinaguriang “super-deep” diamonds sa pinaka-malalim na parte ng mundo.

Nakita ang mga naturang diyamante sa Juina area sa Brazil. Ayon sa grupo ng mga international researchers, may lalim na 255 miles hanggang 410 miles ang lugar kung saan ito nahukay.

Hinihinala na volcanic eruption ang naging dahilan upang umabot ito roon.

“We analyzed, for the first time, helium isotopes contained in microscopic bubbles inside the super-deep diamonds,” saad ni research leader Suzette Timmerman ng Australian National University.

Dagdag pa ng mga researchers, ang isotopes na natagpuan nila sa mga diyamante ang sumusuporta umano sa ideya ng “primordial” resorvoir ng molten rock na una nang nabuo bago pa man magkaroon ng mundo.

“Diamonds form perfect capsules so they retain the exact chemistry and the isotope composition of material from the part of the Earth where they formed,” said the study co-author, Lynton Jaques, of the Australian National University. “These diamonds in particular are some of our deepest direct samples of the Earth. They allow us to see some original material from the formation of the Earth, that doesn’t seem to have changed much over the past four billion years.”

Nakatakdang i-present ni Timmerman ang kanilang research sa Geochemical Society at European Association of Geochemistry’s Goldschimdt conference na gaganapin sa Barcelona sa Agosto 23.