-- Advertisements --

Pinuri ng North Korea ang inilunsad nitong “super large” rockets matapos itong kondenahin ng South Korea dahil sa umano’y maling hakbang na ginawa ng naturang bansa sa kabila na coronavirus outbreak.

Sa ika-anim na pagkakataon ay muling nagpakawala ang North Korea ng hindi pa matukoy na uri ng projectile sa karagatan ng Japan.

Tila hindi apektado ang North Korea sa nararanasang krisis ng buong mundo dahil sa COVID-19. Hindi rin kumbinsido ang mga eksperto na wala pang kaso ng nakamamatay na virus sa North Korea.

Sa inilabas na pahayag ng Japan’s Self Defence Force, kinumpirma nito na bumagsak ang naturang missile sa labas ng Exclusive Econmic Zone (EEZ) ng bansa.

“It is a serious issue for the whole international society including Japan that North Korea has repeatedly launched the missiles lately,” saad sa pahayag.

“We continue to put the utmost effort to collect and analyze information and vigilance to protect the life and property of Japanese citizens.”

Sa ngayon ay hindi pa matukoy ng South Korea at Estados Unidos ang uri ng projectile na ginamit ng North Korea.