-- Advertisements --
Aminado ang isang political analyst na may positibo at negatibong epekto ang pagkakaroon ng napakaraming kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado o “super majority Senate.”
Ayon kay Prof. Mon Casiple sa panayam ng Bombo Radyo, makakatulong ang ganitong set up para mabilis na maipasa ang mga reform agenda ng Pangulo.
Gayunman, posibleng makagawa ang Kongreso ng mga unpopular laws, kagaya ng death penalty, amyenda sa saligang batas at maraming iba pa.
Kung titingnan umano ang pagkakaluklok sa mga kaalyado ng presidente, masasabing stable pa rin ang tiwala ng marami sa Duterte administration.