-- Advertisements --

Nabili sa auction sa halagang $1.5 milyon ang selyadong kopya ng video game na Super Mario 64.

Inilabas ang 1996 cartridge para sa Nintendo 64 console na siyang itinuturing na isa mga pinaka influential 3D platformers ang nasabing laro.

Ayon sa Heritage auction house na mayroong limang kopya na mayroong magandang kondisyon.

Ang Super Mario 64 cartridge ay graded 9.8 A++ rating na ibig sabihin ay near-perfect condition at selyado.

Nahigitan nito ang original na Legend of Zelda cartridge mula sa Nintendo Entertainment System (NES) na nagkakahalaga ng $870,000.