-- Advertisements --
Naibenta sa halagang $88,000 o katumbas ng P4.4 milyon ang selyadong Super Mario Bros 2 video game mula noong taong 1998.
Ayon sa Harrit Group na ang nasabing video game at nasa “near-mint” condition sa Floyds Knobs, Indiana.
Nakita lamang ito sa mga walk-in closets sa Indiana.
Sinuri ito ng Wata Games sa Denver at binigyan nila itong 9.8 A+ rating na siyang pangalawa sa pinakamataas na puntos na nakuha nito.
Taong 1985 ng ito ay unang inilabas at tumaas ang presyo nito pagkalipas ng ilang taon.
Noong Hulyo ay naibenta naman sa $1.5 milyon ang kopya ng Super Mario 64 na siyang nakabasag sa auction ng isa pang Nintendo game na The Legend of Zelda na umabot sa $87,000.