Humina na ang bagyong Carina habang ito ay papalapit na sa karagatan ng Taiwan.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration , nakita ang mata ng bagyo na may layong 335 kilometro ng Northern Itbayat, Batanes.
May taglay ito na lakas na hangin na 175 kilometers per hour at pagbugso ng 215 kilometers per hour.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal number 2 ang Batanes.
Habang nasa signal number 1 ang mga sumusunod na lugar: Babuyan Islands, the northern portion of mainland Cagayan (Claveria, Santa Praxedes, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Santa Ana, Gonzaga), and the northern portion of Ilocos Norte (Burgos, Bangui, Pagudpud, Dumalneg, Adams).
Nagbabala rin ang ahensiya na magdudulot pa rin ng pag-ulan ang nasabing bagyo.
Inaasahan na tuluyang hihina ang bagyo kapag ito ay naglandfall na sa Taiwan.