Napanatili ng super typhoon na si Goring ang kanyang lakas habang kumikilos ito patungo sa hilagang kanluran papalapit sa boundary ng Philippine Area of Responsibility.
Malakas na mga pag-ulan pa rin ang mararanasan sa ilang bahagi ng Northern at Extreme Northern Luzon dahil sa lawak ng sirkulasyon at kaulapang dala ni bagyong Goring.
Mamayang gabi ay inaasahang nasa labas na ng teritoryo ng bansa ang naturang bagyo..
Inaantabayanan naman natin ang pagpasok bukas ng bagyong namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Sa oras na tuluyan na itong pumasok sa teretoryo ng Pilipinas ay tatawagin itong si bagyong Hannah.
Samantala, southwest monsoon o hanging habagat ang magpapaulan sa ilang bahagi ng Central Luzon , Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Batay sa data ng Bombo Weather Center , huling namataan ang sentro ng bagyong si Goring sa layong 185 km West ng Itbayat, Batanes.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na umaabot pa rin sa 195kp/h malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot sa 240kph.
Kumukilos si Goring pa Kanluran , Hilagang -Kanluran sa bilis na 15kph.
Sa ngayon, Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 nalang ang umiiral sa ilang lugar sa Luzon na kinabibilangan ng Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, northern portion ng Apayao at northwestern portion ng Cagayan
Sa mga panahong kagaya nito ay kinakailangan na lagi tayong maging handa sa anumang magiging epekto ng ganitong kalamidad sa ating buhay at mga ari-arian.