-- Advertisements --

Tuluyan nang nakalabas sa Philippine area of responsibility (PAR) ang super typhoon Julian kaninang alas-9:00 ng umaga.

Gayunman, magdadala pa rin ito ng mga pag-ulan sa malaking parte ng Northern Luzon.

Katunayan, may heavy rainfall warnings pa rin na umiiral sa ilang lalawigan sa hilagang bahagi ng ating bansa.

Inaasahan ding muling papasok ang bagyo bukas sa ating teritoryo, bandang umaga o hapon.

Maaari ding ulanin ang iba pang parte ng bansa dahil naman sa localized thunderstorm mamayang hapon at gabi.