-- Advertisements --

Napanatili ng supertyphoon Leon ang kaniyang lakas habang papalapit na sa Batanes.

Base sa datos ng PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa may 100 kilometer ng East Northeast ng Itbayat, Batanes.

Mayroong lakas ng hanggin na aabot sa 195 kph at pagbugso ng hanggang 240 kph.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 5 sa Itbayat at Basco sa Batanes habang nasa signal number 4 ang natitirang bahagi ng Batanes.

Nasa signal number 3 naman ang ilang bahagi ng Babuyan Islands at Calayan Islands.

Nakataas ang signal number 2 sa mga natitirang bahagi ng Babuyan Island , mainland Cagayan, Apayao, Ilocos Norte at sa mga lugar ngSan Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan sa Isabela.

Nakataas naman ang signal number 1 ang mga lugar ng Quirino, natitirang bahagi ng Isabela, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Sur, La Union; Bayombong, Dupax del Norte, Ambaguio, Bagabag, Villaverde, Kayapa, Santa Fe, Kasibu, Aritao, Bambang, Diadi, Dupax del Sur, Quezon, Solano sa Nueva Vizcaya at sa Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Dilasag sa Aurora.

Patuloy ang paggalaw ng bagyo sa northwestward ng karagatan patungo sa dulo ng Northern Luzon bago ito maglandfall sa karagatang bahagi ng Taiwan nitong Huwebes ng hapon.

Dagdag pa ng PAGASA na inaasahang hihina na ang bagyong Leon pagkatapos nitong maglandfall.