-- Advertisements --
Iniulat ng state weather bureau na Pagasa na ang Super Typhoon Pepito ay kasalukuyang nasa bahagi ng karagatan ng Quezon.
Batay sa inilabas na weather advisory ang sentro ng mata ng Super Typhoon PEPITO ay nakabatay sa lahat ng available data kabilang ang mula sa Daet, at Baler Weather Radars ay nasa ibabaw ng coastal waters ng Vinzons, Camarines Norte (14.9oN, 123.1°E).
Ang maximum sustained winds ni Super Typhoon Pepito ay nasa 185 km/h malapit sa gitna at ang gustiness ay nasa 255 km/h, at ang central pressure ay nasa 925 hPa.
Gumagalaw ito patungong Northwestward sa bilis na 15 km/h.
Makakaranas ng malakas na hangin dahil ito itinaas na ang tropical cyclone wind signals sa ibat ibang lugar na dadaanan ni Pepito.