Magdamag na uulanin ang malaking bahagi ng Luzon, matapos mag-landfall ang super typhoon Pepito sa lalawigan ng Aurora.
Nabatid na naitala ang pagtama ng sentro ng bagyo nitong alas-3:20 ng hapon sa Dipaculao, Aurora.
Kumikilos ito nang northwestward diurection sa bilis na 20 km/h.
May lakas itong 185 km/h malapit sa gitna at pagbugsong 230 km/h.
Signal No. 5 Gitnang bahagi ng Aurora (Dipaculao, Baler, Dinalungan, Maria Aurora, Casiguran, San Luis), ang timog na bahagi ng Quirino (Nagtipunan), at ang timog na bahagi ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castañeda, Dupax del Norte, Dupax del Sur, Kasibu, Aritao, Bambang).
Signal No. 4 Natitirang bahagi ng Aurora, ang natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya, ang natitirang bahagi ng Quirino, ang timog na bahagi ng Ifugao (Kiangan, Lamut, Tinoc, Asipulo, Lagawe), Benguet, ang timog na bahagi ng Ilocos Sur (Alilem, Sugpon, Suyo, Santa Cruz, Tagudin), La Union, ang silangang bahagi ng Pangasinan (Sison, Tayug, Binalonan, San Manuel, Asingan, San Quintin, Santa Maria, Natividad, San Nicolas, Balungao, Pozorrubio, Laoac, San Jacinto, San Fabian, Manaoag, Lungsod ng Urdaneta, Rosales, Umingan, Mangaldan, Mapandan, Villasis, Santo Tomas), at ang hilagang bahagi ng Nueva Ecija (Gabaldon, Laur, Bongabon, Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad, Lupao, Lungsod ng San Jose, Llanera, Carranglan, Lungsod ng Agham ng Muñoz, Talugtug, Cuyapo).
Signal No. 3 Timog na bahagi ng Isabela (San Agustin, Jones, Echague, San Guillermo, Angadanan, Alicia, San Mateo, Ramon, San Isidro, Lungsod ng Santiago, Cordon, Dinapigue, Roxas, Aurora, Cabatuan, Lungsod ng Cauayan, Luna, San Mariano, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, San Manuel, Burgos), ang natitirang bahagi ng Ifugao, Mountain Province, ang timog na bahagi ng Kalinga (Pasil, Tanudan, Lubuagan, Tinglayan), ang timog na bahagi ng Abra (Tubo, Luba, Pilar, Villaviciosa, San Isidro, Pidigan, Langiden, San Quintin, Bangued, Manabo, Boliney, Peñarrubia, Bucloc, Sallapadan, Bucay), ang natitirang bahagi ng Ilocos Sur, ang natitirang bahagi ng Pangasinan, ang hilaga at silangang bahagi ng Tarlac (Paniqui, La Paz, Moncada, Lungsod ng Tarlac, Gerona, Pura, San Clemente, Santa Ignacia, Victoria, Camiling, Concepcion, Ramos, San Manuel, Anao), ang natitirang bahagi ng Nueva Ecija, ang hilagang bahagi ng Bulacan (Doña Remedios Trinidad, San Miguel), at ang hilagang bahagi ng Quezon (Infanta, General Nakar) kasama ang Polillo Islands.
Signal No. 2 Ang natitirang bahagi ng Isabela, ang timog-kanlurang bahagi ng mainland Cagayan (Enrile, Tuao, Solana, Lungsod ng Tuguegarao, Piat, Rizal), ang natitirang bahagi ng Kalinga, ang timog na bahagi ng Apayao (Conner, Kabugao), ang natitirang bahagi ng Abra, Ilocos Norte, Zambales, ang natitirang bahagi ng Tarlac, ang hilagang bahagi ng Bataan (Orani, Abucay, Hermosa, Samal, Dinalupihan), Pampanga, ang natitirang bahagi ng Bulacan, Metro Manila, Rizal, ang hilagang-silangang bahagi ng Laguna (Santa Cruz, Pila, Mabitac, Paete, Pagsanjan, Pangil, Santa Maria, Siniloan, Cavinti, Kalayaan, Lumban, Pakil, Famy), at ang gitnang bahagi ng Quezon (Sampaloc, Mauban, Perez, Real).
Signal No. 1 Natitirang bahagi ng mainland Cagayan, ang natitirang bahagi ng Apayao, ang natitirang bahagi ng Bataan, Cavite, ang natitirang bahagi ng Laguna, Batangas, ang natitirang bahagi ng Quezon, ang hilagang bahagi ng Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Paluan) kasama ang Lubang Islands, ang hilagang bahagi ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Naujan, Baco, Lungsod ng Calapan), Marinduque, Camarines Norte, at ang hilagang bahagi ng Camarines Sur (Libmanan, Tinambac, Siruma, Cabusao, Canaman, Magarao, Calabanga, Bombon, Sipocot, Ragay, Del Gallego, Lupi, Lagonoy, Goa, Garchitorena, Pasacao, Pamplona, Camaligan, Gainza).