Napanatili ng super typhoon Pepito ang taglay nitong lakas habang patuloy na nagbabanta sa area ng Aurora at maging sa Quezon.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 120 km sa silangan timog silangan ng Baler, Aurora.
Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 20 km/h.
May taglay itong lakas ng hangin na 185 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong 230 km/h.
Signal No. 5: Silangang bahagi ng Polillo Islands (Burdeos, Patnanungan, Jomalig)
Signal No. 4: Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, ang timog bahagi ng Ifugao (Kiangan, Lamut, Tinoc, Asipulo, Lagawe), ang timog bahagi ng Benguet (Bokod, Itogon, Tuba, Lungsod ng Baguio, Kabayan, La Trinidad, Sablan, Tublay, Kapangan, Atok), ang timog bahagi ng La Union (Burgos, Naguilian, Bauang, Caba, Tubao, Pugo, Aringay, Santo Tomas, Rosario, Agoo, Bagulin, Lungsod ng San Fernando), ang silangang bahagi ng Pangasinan (Sison, Tayug, Binalonan, San Manuel, Umingan, Asingan, San Quintin, Santa Maria, Natividad, San Nicolas, Balungao, Pozorrubio, Laoac, San Jacinto, San Fabian, Manaoag, Lungsod ng Urdaneta, Villasis, Rosales), ang silangang bahagi ng Nueva Ecija (General Tinio, Gabaldon, Laur, Bongabon, Lungsod ng Palayan, Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad, Lupao, Lungsod ng San Jose, Llanera, Carranglan), ang hilagang bahagi ng Quezon (General Nakar, Infanta) kasama ang natitirang bahagi ng Polillo Islands, at Calaguas Islands.
Signal No. 3: Timog bahagi ng Isabela (San Agustin, Jones, Echague, San Guillermo, Angadanan, Alicia, San Mateo, Ramon, San Isidro, Lungsod ng Santiago, Cordon, Dinapigue, Roxas, San Manuel, Aurora, Cabatuan, Lungsod ng Cauayan, Luna), ang natitirang bahagi ng Ifugao, Mountain Province, ang timog bahagi ng Abra (Tubo, Luba, Pilar, Villaviciosa, San Isidro, Pidigan, Langiden, San Quintin), Ilocos Sur, ang natitirang bahagi ng Benguet, ang natitirang bahagi ng La Union, ang natitirang bahagi ng Pangasinan, ang hilagang bahagi ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig), Tarlac, ang natitirang bahagi ng Nueva Ecija, ang hilagang bahagi ng Pampanga (Candaba, Arayat, Magalang, San Luis, San Simon, Mexico, Santa Ana, Apalit, Santo Tomas, Lungsod ng San Fernando, Lungsod ng Mabalacat, Lungsod ng Angeles), ang hilagang bahagi ng Bulacan (Norzagaray, San Miguel, San Ildefonso, San Rafael, Doña Remedios Trinidad, Angat, Lungsod ng San Jose del Monte, Santa Maria, Pandi, Baliuag, Bustos, Pulilan, Plaridel), ang hilagang bahagi ng Rizal (Pililla, Tanay, Lungsod ng Antipolo, Rodriguez, Baras, San Mateo, Morong, Teresa), ang silangang bahagi ng Laguna (Santa Maria, Famy, Mabitac, Pakil, Pangil, Siniloan, Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti), ang gitna at silangang bahagi ng Quezon (Real, Perez, Calauag, Alabat, Quezon, Mauban, Sampaloc), at ang kanlurang bahagi ng Camarines Norte (Santa Elena, Labo, Capalonga, Paracale, Vinzons, San Vicente, Talisay, Daet, Jose Panganiban).
Signal No. 2: Natitirang bahagi ng Isabela, ang timog-kanlurang bahagi ng mainland Cagayan (Enrile, Tuao, Solana, Lungsod ng Tuguegarao, Piat, Rizal), Kalinga, ang timog bahagi ng Apayao (Conner, Kabugao), ang natitirang bahagi ng Abra, Ilocos Norte, ang natitirang bahagi ng Zambales, Bataan, ang natitirang bahagi ng Pampanga, ang natitirang bahagi ng Bulacan, Metro Manila, ang natitirang bahagi ng Rizal, Cavite, ang natitirang bahagi ng Laguna, ang natitirang bahagi ng Quezon, ang natitirang bahagi ng Camarines Norte, Camarines Sur, at ang kanlurang bahagi ng Catanduanes (Pandan, Caramoran, San Andres).
Signal No. 1: Natitirang bahagi ng mainland Cagayan, ang natitirang bahagi ng Apayao, Batangas, ang hilagang bahagi ng Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Paluan) kasama ang Lubang Islands, ang hilagang bahagi ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Naujan, Baco, Victoria, Socorro, Pinamalayan, Gloria, Pola, Lungsod ng Calapan), ang hilagang bahagi ng Romblon (Cajidiocan, San Fernando, Magdiwang, Romblon, Banton, Corcuera, Concepcion, San Andres, Calatrava, San Agustin), Marinduque, ang hilagang bahagi ng Masbate (Lungsod ng Masbate, Mobo, Aroroy, Baleno) kasama ang Burias at Ticao Islands, Albay, Sorsogon, at ang natitirang bahagi ng Catanduanes.