-- Advertisements --
Nagbitiw na pwesto si Philippine Military Academy (PMA) superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista kasunod nang pagkamatay ng isang kadete dahil sa hazing.
Nitong araw nang inanunsyo ng opisyal ang pagbibitiw dahil sa “command responsibility.”
Kung maaalala, unang sinabi ni Evangelista na handa siya bumaba bilang opisyal ng PMA, gayundin sa posibilidad na sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kamakailan nang pumutok ang balita hinggil sa pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio na biktima umano ng hazing.
Nitong Lunes naman nang lumutang ang bagong ulat hinggil sa dalawang kadeteng biktima rin umano ng hazing na isinugod sa ospital.
Nilinaw ni Evangelista na hindi siya pinilit na magbitiw sa pwesto.