-- Advertisements --

Reckless imprudence ang kahaharaping kaso ng may-ari ng Chuzon supermarket na gumuho sa gitna ng magnitude 6.1 na lindol nitong Lunes sa Pampanga.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde, bukod sa may-ari ng supermarket na si Samuel Chu, mananagot din ang contractor ng nasabing building at maging ang ilang opisyal ng Porac na nagbigay ng permit kahit lumabag sa building code.

Sa ngayon hinahanda na ng PNP ang mga dokumento at testimonya ng mga survivors para sa pagsasampa ng kaso laban sa may-ari ng building at contractor.

Nakuhanan na rin ng pahayag ang may ari at nagsumite na rin ng mga dokumento sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Dagdag pa ni Albayalde na kanila ring hinihintay ang report o findings ng mga engineer ng Department of Public Works and Highways kung saan dedepende ang imbestigasyon ng CIDG sa ilang local officials ng Porac sa bumagsak na supermarket.

“Of course meron din mananagot doon sa local officials dahil kung bakit
sila nagkaroon ng permit at kung nagviolate sila ng building code,
yung strength of materials kung may violation din doon,” ani Albayalde.