ROXAS CITY – Ramdam na ngayon ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) ang epekto ng Coronavirus Disease- 2019 (COVID-19) sa Yongsan-gu Seoul, South Korea.
Ito matapos na nagkakaubusan na ng mga paninda sa mga supermarkets at mga online shopping sites.
Sa report ni Bombo International Correspondent Noreen Joyce Guerra ng Barangay Milibili, Roxas City at apat na taong nagtratrabaho sa South Korea, na out of stock na ngayon ang pangunahing mga bilihin katulad ng karne, gulay, prutas, condiments at iba pa.
Lubhang mataas rin ang presyo ng face masks kung saan umaabot ito ng 4000 won na katumbas ay P200 bawat isa.
Aminado si Guerra na may takot rin silang naramdaman lalo na kung makakarining na may nadagdag sa death toll, ngunit gumagawa sila ng precautionary measures katulad na lamang ng paggamit ng face mask at hindi pagpunta sa mga public places para maiwasan ang COVID-19.