-- Advertisements --

Kinondina ni supermodel na si Gigi Hadid ang ginawang pag-masaker ng mga Hamas militants sa mga inosenteng katao.

Sinabi nito na kahit suportado niya ang Palestine ay hindi naging tama ang pagpatay basta sa mga inosenteng katao.

Labis itong nalulungkot sa hirap ng mga Palestinian at sa buhay nila sa ilalim ng occupations.

Paglilinaw nito na marami siyang kaibigan na Palestino ay tinitiyak niya na hindi ang mga ito nananakit ng mga Hudyo.

Si Hadid ay may lahing Palestine ay hindi sang-ayon na ang pagiging Pro-Palestine ay isang uri ng antisemitic.