-- Advertisements --

Magsisilbing isa sa mga nominee si Superstar Nora Aunor para sa People’s Champ Partylist.

Pangunahing adbokasiya umano ng grupo ang kapakanan ng marginalized groups at maliliit na manggagawa sa film industry.

Inihain ng People’s Champ Partylist ang kanilang Certificate of Nomination-Certificate of Acceptance of Nomination (CON-CAN) ngayong araw sa Tent City, Manila.

Naging emosyunal naman si Ate Guy nang magbigay ng kaniyang kaunting speech matapos ang filing.

Natanong naman si Ate Guy na kung sakaling manalo ang kanilang party-list ay ano ang kanilang mga balak na gawin.

Dagdag pa niya, tinanggap niya ang pagiging second nominee dahil matagal na raw niyang pangarap na makatulong sa mga kababayang nangangailangan nito.