-- Advertisements --
Pinawi ng mga supplier ng baboy sa bansa na mayroon pang sapat na suplay ng baboy sa Metro Manila sa gitna ng banta ng African Swine Fever (ASF).
Sinabi ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Rosendo So, na galing sa Visayas at Mindanao ang mga suplay ng baboy na dinadala sa Metro Manila.
Hindi rin aniya lalagpas sa P220 ang suggeted retail price (SRP) ng mga karne ng baboy dahil walang kakulangan ng suplay nito.
Nanawagan na lamang ang grupo sa gobyerno na higpitan na lamang ang pagbabantay para walang makapasok na karne ng baboy na apektado ng ASF.