-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Kinakapos parin ng suplay ng bakuna kontra sa Coronavirus Disease (Covid-19) ang Rehiyon 12.

Ito mismo ang kinumpirma ni Department of Health (DOH-12) Health Education and Promotion Officer Arjhon Gangoso.

Ang mga dumating anyang bakuna sa rehiyon ay nakadepende pa rin sa alokasyon mula sa National Vaccine Operation center na siyang hinahati ng DOH-12 sa bawat provincial health offices.

Ito ay para sa A1, A2 at A3 na nasa priority list pero karamihan sa mga lugar sa probinsya ay nasa A1 at A2 pa lamang dahil na rin sa kakulangan ng mga bakunang dumadating.

Ayon kay Gangoso, hinahati kasi ito base sa consumption rate ng lugar at sa dami ng COVID-19 positive cases.