-- Advertisements --

Inaasahang maging normalize na ang suplay ng store-value passenger train cards o beep cards sa unang quarter ng taong 2023 ayon kay Transportation Undersecretary Cesar Chavez.

Ito ay sa gitna na rin ng napipintong kakulangan ng beep cards dahil sakakapusan ng pandaigdigang chip supply bunsod ng COVID-19 lockdowns sa China at nagpapatuloy na conflict sa Ukraine.

Una rito, sinabi ng DOTr na hindi makukumpleto ng Beep card provider AF Payments Inc. (AFPI) ang delivery ng nasa 75,000 beep card para sa inaasahang card forecast demand ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) para sa buwan ng July 2022 sa kanila ng maigting na pakikipag-ugnayan nito sa card suppliers abroad.

Ngunit sa kabila nito, may mga nakalatag naman aniyang hakbang para matugunanan ang kakulangan at para ma-meet angf demand ng commuetrs para sa conatctless cards kasabay ng paghahanap ng aletrnatibong paraan ng DOTr at ng Beep card provider nito gaya ng paggamit ng single journey tickets.

Pakiusap naman ng DOTR sa mga mananakay na mayroong dalawa o tatlong hawak na beep cards na ipahiram na lamang sa kanilang kamag-anak , kaklase o katrabaho.