-- Advertisements --
Hindi problema ang suplay ng bigas sa Pilipinas ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Aniya, maraming suplay ng bigas ang bansa subalit hindi aniya nailalabas ng tama.
Ipinunto pa ng Pangulo ang sinabi ng Department of Agriculture na mas malaki ang ani ngayong taon kumpara sa nakalipas na taon kung kayat nagiging maayos ang produksiyon ng bigas.
Nangako din ang Pangulo ng pagpapaganda pa ng sistema ng agrikultura sa bansa mula sa pagtatanim, pananaliksik at pagpapaunlad at pagproseso hanggang sa distribusyon, marketing at retail ng bigas sa bansa.
Umaasa din ang Punong Ehekutibo na Mararamdaman ang mga pagbabagong ito sa lalong madaling panahon.