-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Agriculture na walang rice shortage sa Western Visayas ngayong taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Engr. Jose Albert Barrogo, Regional Technical Director ng Department of Agriculture-Western Visayas, self-sufficient ang Western Visayas sa rice production kung saan umabot sa higit 2.3 million metric tons ang rice production ng anim na mga lalawigan noong 2022.

Ayon pa kay Barrogo, 120% ang palay rice sector performance sa rehiyon base sa 2022 Food Sufficiency Index.

Sinabi rin nitong malaking tulong sa mga magsasaka ang pag-ulan sa first quarter ng taon.

Ayon pa sa opisyal, advantage rin ang maaging pagtanim ng palay para maka-harvest na bago pa man ang pananalasa ng mga bagyo na kadalasan ay nangyayari sa katapusan ng taon.

Napag-alamang ang Western Visayas ang third largest rice-producing region sa bansa na may contribution na average of 12 percent kada taon sa sa national production.