Iginiit ng pamunuan ng Department of Agriculture na nanatiling sapat ang suplay ng bigas sa bansa hanggang sa katapusan ng taon.
Ito ay sa kabila ng bagsik na epekto ng bagyong Kristine sa malaking bahagi ng bansa.
Kung maaalala, nagkaroon pa ng mababang produksyon ng bigas ng tumama ang El Niño Phenomenon sa bansa.
Batay sa datos ng DA, aabot sa 3.83 million metric tons ang kasalukuyang suplay ng bigas sa bansa na sasapat naman para sa rice consumption na aabot ng isang daang araw.
Sa isang pahayag , sinabi ni DA Undersecretary Christopher Morales na siyang tumatayong OIC ng Rice Industry Programs na sa kabila nito ay mayroon namang forecast lost na aabot sa 358,000 metric tons na nakabatay sa historical damages at actual risks sa kasalukuyang panahon.
Pumalo naman sa 19.41 million metric tons ang kabuuang palay production sa bansa at ito ay may katumbas na 12.69 million tons ng milled rice.