Sinisiguro ng pamahalaan na hindi malubhang maaapektuhan ang suplay ng mga bakuna laban sa COVID-19 partikular na sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette.
Ayon kay Dr. Ma Paz Corrales ng National Task Force Against Covid-19 (NTF) na sa kabila ng tmamang bagyo sa ilang parte ng bansa, tiniyak nito na ligtas at secured ang mga suplay ng COVID-19 vaccines.
Sa ilang mga rehiyon na nauna ng nagsuspendi ng kanilang mass vaccination dahil sa bagyo ay nakapag-reschedule na ng three days national vaccination day mula December 20 hanggang 22.
Maliban aniya sa mga suplay ng bakuna kailangan din aniya na siguruhin ang kaligtasan ng mga health workers.
Binigyang diin naman ni Corrales ang kahalagahan ng pagbabakuna kontra coronavirus para sa mas masayang pagdiriwang ng Pasko.
Una na ring tiniyak ng NGCP na uunahin nilang maibalik ang suplay ng koryente sa mga lugar na may nakaimbak na mga bakuna.