-- Advertisements --

VIGAN CITY – Ubos na umano ang panindang face masks sa lalawigan ng Ilocos Sur sa mga botika at iba pang pamilihan dahil sa 2019 novel corona virus outbreak.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Vigan, bago nagka-ubusan ng panindang face masks sa lalawigan, lalo na sa lungsod ng Vigan, umabot ang presyo nito sa PHP 400 kada piraso mula sa dating presyo na PHP 150, lalo na ang N95 masks.

Pinaniniwalaang ito ay dahil sa ilan sa mga nasa Metro Manila na mayroong kamag-anak sa lalawigan ay nagpapabili ng kahon-kahong face masks dahil sa banta ng nCov.

Samantala, nauna nang nagpalabas ng executive order si Ilocos Sur Governor Ryan Luis Singson hinggil sa mga hakbangin upang maiwasang makapasok sa lalawigan ang nasabing virus kabilang na ang mas pinahigpit na quarantine procedure at iba pang disease prevention and control measures.