-- Advertisements --
Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na hindi direktang makakaapekto sa kabuuang suplay ng itlog sa bansa ang lumiliit na size ng nasabing produkto dahil karaniwan na aniya ito kapag panahon ng tag-init.
Paliwanag ni Agriculture Sec. at spokerperson Arnel de Mesa na mayroong ilang epekto ang matagal na mainit na panahon sa produksiyon ng itlog na posibleng humantong sa mas maliit na itlog na mapo-produce.
Sa kabila nito, tiniyak ni De Mesa na nananatiling available ang lahat ng size ng itlog sa merkado.
Gayundin sinabi ng DA official na hindi direktang nakakaapekto sa pagliit ng mga itlog ang El Nino phenomenon.
Samantala, sa monitoring system ng DA, ang average price ng itlog ay nasa P6 hanggang P8.25 kada piraso.