-- Advertisements --
Natitiyak ng Department of Agriculture (DA) sa mga consumers na mayroong sapat na suplay ng karne ng baboy at mananatiling stable umano ang presyo nito sa nalalapit ng Kapaskuhan.
Sinabi ni Agriculture spokesperson Arnel De Mesa, na iginarantiya sa kanila ng mga livestock industry partners nila na stable ang suplay ng pork.
Inaasahan na rin ng DA na tataas pa ang presyo ng karne ng baboy pagpasok na ng buwan ng Disyembre.
Maging ang presyo ng mga karne ng manok ay walang pagbabago kung saan tumaas pa ang poultry production ng anim porsyento ngayong last quarter.