-- Advertisements --

Nagbabala ang Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) na magkakaroon ng kakulangang ng karne sa bansa dahil sa ipinapatupad na paghihigpit bunsod ng total lockdown sa buong Luzon.

Ipinarating na ng grupo ang nasabing problema sa Department of Trade and Industry (DTI).

Sa sulat na grupo sa DTI, inilahad na base sa kanilang pag-aaral na apektado ang production at inventory na ito ay magtatagal lamang sa kalagitnaan ng Abril.

Ilan sa mga sinisi ng grupo ay dahil sa pinaigting na checkpoint kung saan hinihigpitan ang mga pagpasok ng mga raw materials sa bawat lugar.