GENERAL SANTOS CITY – Hininge na magpatupad ng ‘price freeze’ ang LGU sa presyo ng karneng baboy sabay sa pagtaas ng presyo dahil halos nagka-ubusan ang suplay ng mga baboy dito sa lungsod.
Nalaman na nagkaruon ng shortage ang suplay ng karneng baboy dito sa lungsod dahil nagsupaly ng baboy duon sa Luzon.
Dahil dito naglalaro na sa P280- P320 ang presyo sa bawat kilo.
Kahapon sa pagdinig ng konseho kasama ang meat vendors association kinalampag ng nasabing grupo ang sobrang mahal na presyo matapos umaray na ang mga consumer.
Maliban sa karneng baboy tumaas din ang presyo sa processed meat kagaya ng chorizo. Hiling ng assosasyon na maglaan ang mga hog raisers para sa suplay sa karneng baboy dito.
Una ng sinabi ni Gensan City Vetirinarian Dr Efraim Antonio Marin na ang Gensan ang nag suplay ngayon ng baboy sa Luzon matapos tinamaan ng African Swine Fever ang mga baboy sa region 4A .
Habang nag shut down ang ibang piggery dito dahil sa pandemic dahil dito mga under sized na ang baboy na iniihaw.