-- Advertisements --
Malaki ang posibilidad na makaranas ng matagal na kawalan ng suplay ng kuryente sa second quarter ng taon kabilang nasa Mayo 9 elections.
Ayon sa Manila-based group na Institute for Climate and Sustainable Cities (ICS) na maaaring matupad ang naging pahayag ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) na mayroong sapat na suplay ng kuryente subalit manipis lamang ang reserba.
Nanawagan din sila sa mga consumers na magtipid sa paggamit ng kuryente.
Nauna ng pinabulaanan ng Department of Energy (DOE) na magkakaroon ng rotational brownout dahil sa manipis na suplay ng kuryente.