-- Advertisements --
Bumalik na ang suplay ng kuryente sa Lebanon matapos ang 24-oras na shutdown.
Ayon sa energy ministry ng Lebanon, pinayagan sila ng central bank na makautang ng $100 milyon para makabili ng fuel at mapanatili ang kanilang stations na nag-ooperate.
Sa loob kasi ng 18 buwan ay nagkaranas ng economic crisis at matinding kakulangan ng fuel sa bansa.
Nagbunsod ang nasabing krisis sa kahirapan at bumaba ang halaga ng kanilang pera at nagkaroon pa ng kaliwa’t-kanang kilos protesta.