-- Advertisements --
Inamin ng mga negosyante na hindi nila inasahang mabilis na maubos ang mga holiday grocery items .
Sinabi ni Philippine Amalgamated Supermarkets Association President Steven Cua, na hindi na dinamihan ng mga supermarkets ang kanilang suplay ng hamon at keso de bola dahil sa naibebenta lamang ito sa limitadong panahon tuwing Disyembre.
Pinaiksi rin aniya ng mga creditors ang mga credit ng mga negosyante para agad na mabayaran ito agad.
Magugunitang sa pag-ikot ng Department of Trade and Industry (DTI) ay maraming mga holiday items ang madaling naubos sa iba’t-ibang pamilihan sa bansa.