Nananatiling sapat ang suplay ng mga tropang Pilipino na naka istasyon sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal ayon sa Philippine Navy.
Ito ay kahit na walang sumunod na resupply mission matapos ang marahas na insidente noong Hunyo 17 kung saan nasugatan ang ilang Navy personnel kabilang si Seaman First Class Jeffrey Facundo na naputulan ng hinlalaki, pinagsisira ng mga personnel ng China Coast Guard ang inflatable boat at equipments ng panig ng PH at kinuha ang mga baril ng mga tropa ng ating bansa.
Ayon kay Navy spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang huling aktibidad na isinagawa ay ang medical evacuation sa isang navy personnel mula sa BRP Sierra Madre noong Hulyo 7.
Dito, tinangka din subalit hindi nagtagumpay ang CCG sa pagharang ng medical evacuation ng PH.