-- Advertisements --
Pinawi ng Department of Agriculture (DA) ang pangamba ng marami na kulang ang suplay ng pagkain ng bansa.
Sinabi ni DA Secretary William Dar, na base sa kanilang imbentaryo ay aabot pa sa dalawang buwan ang suplay ng pagkain.
Aapaw din ang suplay ng bigas sa pagtatapos ng buwan dahil ito ang panahon ng pag-ani ng mga palay.
Pinayuhan din nito ang marami na dapat huwag silang magpanic buiying.