-- Advertisements --

Siniguro ng pamahalaan na nananatiling sapat ang suplay ng pagkain sa merkado ngayong nangangalahati na ang ipinatupad na isang buwang enchanced community quarantine sa buong Luzon bunsod ng coronavirus pandemic.

Ayon kay Cabinet Sec. Karlo Nograles, hindi pa nagkukulang ang suplay ng bigas, karne, at gulay sa mga pamilihan, bunsod na rin ng tuloy-tuloy na paggalaw ng mga kargamento.

Sapat pa aniya para tumagal ng dalawa’t kalahating buwan ang suplay ng bigas, at kumukuha pa raw ng karagdagang suplay ang pamahalaan.

“According to the Department of Agriculture we should not be concerned as basic food requirements nationwide such as rice, fish, pork, chicken, and vegetables are sufficient,” wika ni Nograles.

“Huwag po tayo mag-alala. Tuloy-tuloy po ang supply ng pagkain,” dagdag nito.

Nitong nakaraang linggo nang ihayag ng National Food Authority (NFA) na sapat ang imbak ng bigas sa kanilang mga bodega.

Nasa 9.3-milyong sako pa raw ng bigas ang nasa imbentaryo ng NFA.