-- Advertisements --
Mayroong sapat na suplay ng mga relief goods para sa mga pamilyang sinalanta ng bagyong Enteng ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Batay sa ahensiya, mahigit 1.074 milyong family food packs ang nakaimbak sa kanilang hubs sa Pasay city at Cebu city gayundin sa kanilang field offices.
Maliban dito, nakahanda ding ipamahagi ang nasa P1.029 bilyong halaga ng pagkain at non-food items para sa mga sinalantang lugar.
Nahatiran na ng relief goods ang mga apektadong residente sa Camarines Sur, Albay, Northen Samar habang nakahanda na ring ipamahagi ang kahon-kahong family food packs sa mga residente sa mga lugar na sinalanta sa Metro Manila.