-- Advertisements --
Nananatiling sapat ang suplay ng sibuyas sa bansa para sa panahon ng kapasakuhan, ayon sa Bureau of Plant Industry (BPI).
Batay sa datus ng BPI, mayroong 16,000 metriko tonelada ng sibuyas ang pinayagang angkatin ng bansa hanggang Disyembre.
Ang naturang bulto aniya ay tiyak na ilalabas sa mga merkado kasabay ng inaasahang paglobo ng demand sa sibuyas dahil na rin sa kaliwa’t-kanang mga handaan.
Sa buwan ng Enero, sinabi ng BPI na magsisimula na rin ang anihan ng mga local farmers.
Sa kasalukuyan, naglalaro mula P80 hanggang P120 ang kada kilong presyo ng pulang sibuyas habang bahagyang mas mataas ang presyo ng puting sibuyas.