-- Advertisements --

Posibleng sa susunod na buwan ay makakatanggap na ang Pilipinas ng bagong mga suplay ng tocilizumab, isang gamot a nakakagaling umano ng mga dinapuan ng COVID-19.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergerie na makakatanggap ang mga supplier ng nasabing gamot sa ikalawang linggo ng Nobyembre.

Noong Hulyo kasi ay inirekomenda ng World Health Organization (WHO) ang paggamit ng nasabing arthritis drug para sa mga naka-confine na pasyente.

Nitong buwan naman ay binigyan ng emergency use authorization ng Food and Drugs Administration ang monoclonal antibody na Ronapreve para sa mga mild at moderate COVID-19 cases.