-- Advertisements --

Nawalan ng suplay ng kuryente at tubig ang maraming residente ng Caribbean Island ng St. Vincet dahil sa pag-alburuto ng bulkan.

Naganap ito ilang araw matapos ang pagiging aktibo ng La Soufrière volcano na bumalot ng makapal na abu.

Mahigit 16,000 na rin ang pinalikas habang ang kalapit na bayan sa Barbados ay pinayuhan ng mga otoridad na huwag ng lumabas at manatili na lamang sa loob ng kanilang bahay.

Nagbabala ang mga eksperto na maaring tumagal pa ng ilang linggo ang pagiging aktibo ng nasabing bulkan.

Nagpakalat na rin ang mga otoridad sa lugar ng mga sundalo para pagsabihan ang mga residente sa kanilang paglikas.