Siniguro ng Maynilad na kanilang ibabalik sa lalong madaling panahon ang suplay ng tubig sa Metro Manila at kalapit na mga bayan at lalawigan.
Kasalukuyan kasing nakararanas ng mahina hanggang sa walang suplay ng tubig sa nasabing mga lugar.
Ayon sa nasabing water concessionaire, malabo pa kasi ang tubig mula sa Ipo Dam dulot ng Bagyong Ulysses.
Hanggang mamayang alas-4:00 ng hapon din tatagal ang nararanasang water interruption sa Quezon City, Navotas, Valenzuela Paranaque, Caloocan, Manila, Pasay, Makati City, maging sa Bacoor City at Cavite City sa lalawigan ng Cavite.
Sa ngayon, nagpapatupad ng rotational water interruption ang Maynilad upang mabigyan ng tubig ang lahat ng apektadong customer ng ilang oras kada araw.
Patuloy namang mino-monitor ng Maynilad ang kalidad ng raw water mula sa Ipo Dam upang agad maibalik sa normal ang supply sa oras na mag-improve na ito.Suplay ng tubig sa NCR, ibang lugar ibabalik sa lalong madaling panahon – Maynilad