-- Advertisements --
Nanawagan ang Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) sa publiko na huwag mag-hoard ng mga vitamins dahil labis na naapektuhan ang local supply.
Ayon sa grupo na dahil sa mataas na demand ng vitamins ay nagresulta ito sa artifical na kakulangan ng gamot.
Hinikayat nila ang mga tao na huwag mag-overstock para may magamit ang mga vulnerable patients at mga nasa panganib ng grupo.
Dapat lamang aniya na bumili ng mga gamot at bitamina na nireseta ng mga doctors.
Tiniyak naman ng grupo na doble kayod na sila ngayon sa paggawa ng mga gamot para magkaroong sapat na suplay ang bansa.