-- Advertisements --
image 382

Kompyansa si dating pangulo at Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo na makakuha ng suporta sa kapwa mambabatas para pagtibayin ang House Bill 7893 o ang K + 10 + 2 na naglalayong mapalitan ang kasalukuyang K to 12 curriculum.

Ang magiging tuon raw nitong panukala ay ang mas pagtibayin ang technical, vocational and livelihood curriculum ng Senior High School.

Ayon kay Senior Deputy Speaker Arroyo, hindi raw epektibo ang kasalukuyang curriculum ayon sa mga pag-aaral.

Lumalabas sa survey na mas pinipili parin ng mga employer ang college graduates kumpara sa mga Senior High School graduates.

Sa panukalang ito, ibabalik sa sampung taon ang basic education ito ay hanggang 4th year na lamang ulit.

Ito raw ay tutulong sa mga mag-aaral na maging globally competitive at mas magkaroon ng sapat na kaalaman na magagamit sa pagtatrabaho.

Marami umanong mga foundational courses ang nakakaligtaan kung saan ito ay kinakailangan upang maging matibay ang pondasyon ng kaalaman ng isang mag aaral.