-- Advertisements --
Bumuhos ang suporta ng mga kapwa Pilipino kay world boxing champion Manny “Pacman” Pacquiao sa kanyang pag-eensayo sa Griffith Park sa Los Angeles, California.
Sa panayam ng Star FM Iloilo kay Bombo international correspondent Edmundo Nicolas, aniya araw-araw dinadayo pa si Pacquiao ng mga tagahanga nito na mula sa San Diego at San Francisco, California para lang mapanood ang pag-eensayo ng fighting senator.
Naghahahanda kasi si Pacquiao sa nalalapit na laban nito kay Errol Spence Jr. ng Amerika, sa August 21, 2021 na gaganapin sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.
Sa pagtakbo nito ng siyam na kilometro ay kasabay din nito ang hindi bababa sa 30 katao kung kaya’t nai-enjoy ni Pacquiao ang kanyang training.