Ikinagagalak ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang suporta ng United Nations Security Council (UNSC) para sa positibo at mahalagang papel ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang tulungan na maresolba ang isyu sa Myanmar.
Sa isang pahayag, binigyang-diin ng DFA ang panawagan ng UNSC para palayain ang mga ikinulong na matatas na opisyal ng nasabing bansa, kabilang na rito sina State Counsellor Aung San Suu Kyi at President Win Myint.
Nagpahayag din ito ng suporta sa ginagampanang tungkulin ni Christine Schraner Burgener, Special Envoy of the UN Secretary-General sa Myanmar.
Ginawa ng UNSC ang pahayag matapos ipaalam ni Minister of Foreign Affairs II Dato Erywan Pehin Yusof ng Brunei Darussalam ang naging resulta ng katatapos lang na Asean Leaders’ Meeting sa Myanmar noong Abril 30.
“The Members of the Council welcomed the convening of the Asean Leaders’ Meeting on 24 April 2021 in Indonesia, as well as the Chairman’s Statement and the ‘Five-Point Consensus,’” saad ng DFA.
Natutuwa rin aniya ang UNSC ang tungkulin ni Burgener sa UNSC at umaasa na mabibisita rin nito ang Myanmar sa mga susunod na buwan.
Noong nakaraang linggo ay nanawagan ang UNSC na agarang tuldukan ang karahasan sa Myanmar batay na rin sa plano ng Asean.