-- Advertisements --

Tiniyak ng PDP-Laban Cusi faction na nananatiling malakas ang suporta ng kanilang mga kasamahan sa tambalan nina Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, bilang presidential bet at Sen. Christopher “Bong” Go, bilang vice presidential bet.

bato de la rosa coc 1

Ito ang sinabi ni PDP-Laban Secretary-General Melvin Matibag, kasunod ng ilang alegasyon na inilagay lamang ang dalawang senador para magsilbing “place holder” para sa iba pang posibleng kandidato ng ruling party.

Ayon kay Matibag, wala silang ibang ikinokonsiderang standard bearer sa ngayon, kundi ang kanilang pinatakbong pambato ng grupo.

Gayunman, inamin ni Matibag na hindi niya masasabi ang anumang posibleng mangyayari sa mga susunod na araw, dahil hanggang Nobyembre 15 pa naman pinapayagan ang ilang adjustment sa hanay ng mga kandidato.