-- Advertisements --

NAGA CITY – Nakiisa na rin ngayon si Sen. Kiko Panglinan sa mga apela sa publiko na suportahan ang mga atleta ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Pangilinan, sinabi nitong mas kailangan ngayon ng suporta ng mga atleta para maipanalo ang kanilang laban.

Aniya, hindi makakatulong kung uunahin ang pangbabatikos sa kapalpakan ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc).

Ayon kay Pangilinan, pagkatapos ng laro saka na panagutin ang may kasalanan at responsable sa ilang aberya na nangyari sa Sea games.

Sa kabila nito, umaasa ang senador na makakabawi pa ang bansa sa ilang naitalang aberya dahil mahaba pa naman aniya ang oras at panahon.