-- Advertisements --
ARINGAY, La Union – Nagpapatuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa nangyaring pang-bubugbog at tangkang pamamaril sa supporter ng isang kandidato sa Barangay Poblacion bayan ng Aringay, La Union kaninang umaga.
Nakilala ang biktima na si Romeo Balanag, residente ng nasabing barangay.
Base sa ulat na nakalap ng Bombo Radyo, may mga kalalakihang bumugbog umano sa biktima at pinaputukan ito ng baril.
Nagtakbuhan ang ilang botante sa naturang polling center dahil sa takot.
Mabuti na lamang daw at nakaligtas si Balanag mula sa pamamaril.
Nasa pangangalaga na ngayon ng pulisya ang person of interest at kasalukuyang iniimbestigahan.