-- Advertisements --

ILOILO CITY – Huli ang dalawang drug personalities sa loob ng The Q drive-in hotel sa Burgos St. La Paz, Iloilo City nitong umaga.

Ang mga arestado ay nakilalang sina Jaypee Fernando, 31; Billy Boy Castor, 24, mga residente ng Brgy. Baldoza, La Paz sa Iloilo City.

Narekober sa posisyon ng dalawang drug personalities ang 23 sachet ng suspected shabu, P9,000 na buy bust money kasama na ang ibang mga drug paraphernalia.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo sa team leader ng ng Regional Drug Enforcement Unit, sinabi nito na dalawang buwan na nilang minamanmanan ang dalawang drug personalities.

Napag-alaman na mga estudyante ang mga regular customers ng dalawang drug personalities.

Inamin naman ni Fernando na pagmamay-ari nila ang mga nakuhang mga recoveries.

Sa ngayon nahaharap sa kasong paglabag sa section 10 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.