-- Advertisements --
image 380

Pinapatutukan ni Department of Trade and Industry Sec. Alfredo Pascual ang suplay at presyo ng iba’t ibang pangunahing bilihin sa mga lugar na naapektuhan ng Typhoon Betty.

Pangunahin dito ay ang mga probinsya sa hilagang bahagi ng bansa tulad ng Ilocos at Cagayan Valley regions.

Ayon sa kalihim, kailangan ng regular na monitoring at paghihigpit ng mga regional at provincial offices ng DTI upang masigurong sapat at abot-kaya ang mga bilihin sa mga lugar na apektado ng bagyo.

Maliban dito, pinapatutukan din ng kalihim ang posibilidad ng pananamantala sa mga nagbebenta ng ibat ibang mga commodities sa mga nasabing lugar.

Sa kasalukuyan, tiniyak ng kalihim na may sapat na suplay ng pangunahing bilihin tulad ng canned goods, instant noodles, gatas, kape, tinapay at iba pa, na maaaring tatagal ng dalawa hanggang apat na linggo.